EL FILIBUSTERISMO

KASAYSAYAN
El filibusterismo (1891) ni Jose Rizal ang karugtong ng Noli me tangere, at walang pasubaling may lunggating maka-utopia. Inilalantad ng El filibusterismo ang higit na madilim na larawan ng mga dekada ng siglo disinuwebe. Si Crisostomo Ibarra, ang repormistang bayani sa naunang nobela, ay nagbalik sa Filipinas bilang nagbabalatkayong Simoun na mayamang alahero. Taglay ang poot at layong makapaghiganti, at iligtas si Maria Clara na tumakas sa kumbento, si Simoun ay naglunsad ng krusada na bulukin saka pahinain ang mga institusyon na pawang magiging sanhi ng himagsikan. Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkutsaba sa iba-ibang tauhan, kabilang na si Basilio, upang pabagsakin ang pamahalaan. Nabigo ang una’t ikalawang sabwatan. Namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas, at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun pabulusok sa dagat, at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan.

PAGLALARAWAN
Ang nobelang El filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo”) o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at,[3] tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

6 responses to “EL FILIBUSTERISMO

  1. Pingback: Free Piano·

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s